kilala ako bilang isang masunuring anak, mapagkalingang kapatid, tapat na kaibigan, magalang na apo. iyong maasahan sa tawag ng pangangailangan maging sino ka man, nasaan ka man o ano ka pa man. yan ay iilan lang sa mga karakteridad na magpapaksa sa indibidual na katangian ko. pero lingid sa kaalaman ng nakararami, meron akong tinatagong sikreto, isang maitim na budhi ang tuluyan nang bumabalot sa aking pagkatao, ang mabigat kong karimlan, ang aking depression. lulan ng pag-iisa di ko mapigilan magalit sa mundo kung saan sinadlak ako sa isang lugar na puno ng kasiyahan, isang lugar na puno ng pagasa. isang lugar kung saan hindi nababagay ang isang tulad ko. sino ba naman ang nararapat manatili sa isang lugar kung saan iilan lang ang nakikinig, bilang lang sa daliri ang nakakaintindi, at patay na sa limot ang nakakalam.
oo inaamin ko meron akong dinaramdam, sakit na dinakakahawa, di na ipapasa, at di mo man lang alam kung kaylan sayo muling papatak, isang sakit na kung minsan magdudulot sayo ng matinding kasiyahan, samantalang sa susunod ay pagbubuhatan ka ng pighati at kalungkutan, ang sakit na kung tawagin ay manic-depressive o kilala bilang bi-polar disorder, isang sakit na kung saan kapag ikaw ay inatake ng estado ng mania, ang lahat ng bagay ay masaya. wala kang kapaguran at tila wala ng bukas, ayaw mong makatulog at hinahayaan mong magpadaloy sa agos ng mga pangyayari. samantalang kapag ikaw naman ay dapuan ng depression kabaliktaran ang mga mararamdaman, ang lahat ay malumbay, lahat ng mga bagay ay tila wala ng kulay, at kahit anong gawin ng mga nasa paligid mo, iisa lang ang kahihinatnan nito, ang matinding kalungkutan, hindi humuhumpa at di titigil hangang malamon ka nalang nito ng buhay.
pero para sakin hindi dito nagtatapos ang buhay, bagkos ito ang nagsisilbing hamon sakin na tumuloy sa pinapangarap kong bukas. tinatamasa ng karamihan ang tamis ng kanilang kinabukasan, samantalang ako naman ay walang kapagurang nakikipaglaban sa pang araw-araw sa magkahalong "himutok-pighati-kahibangan-kasiyahan" na nadarama ko sa tuwing akoy nag iisa.
nakakapag taka pero minsan yun talaga ang gusto ko, ang iwanan ako ng tao, magmistulang isa nalang ala-ala na nagbigay ng bakas sa kasiyahan ng mga nakakakilala sakin, kaya ako nananatiling masaya. pero ang hindi nyo alam, nakatago sa bawat nasasaksihan nyong mga ngiti ang pighati na dinaramdam ko araw-araw, ang hinanakit ko sa mundo, di mapaliwanag, di maiiwasan at kailan man hindi ko matatalikuran, ang sakit na hangang ngayon sa tulad ko ay wala parin lunas.
sana ay di kayo maging mapanuri, di sana ninyo ako alipustahin, pakaisipan ng masama, o turingin bilang iba. sapagkat ang turing ko sa inyo ay ang ninanais kong ibalik niyo sakin, ang ituring kayong ibat-ibang indibidual, may ibat-ibang kakayahan at may tinataglay na indibidual na katangian at kakayahan na kayo lang ang nagtataglay, ang pagiging isang indibidual na nilalang. at kahit hindi papuri ang taglay kong kaibahan, nagmimistulan parin itong isang ala-ala, isang sugat na nag papahiwatig sakin na ako ay nagtataglay ng indibidual na pagkakaiba.