ang bakas ng kapalaran sa ating munting mga kamay

a  sabi nila ang buhay daw ay nakatugma sa linya ng ating mga palad, bawat bakas at guhit na naghuhulma sa ating kamay ay nagsisilbing destinasyon ng kapalaran ng ating magiging buhay. ito raw ang nag sasabi sa kung saan matutupad o hindi ang sinasabi nating buhay at kapalaran. pero totoo nga ba ito? ma-aari nga kayang sa ating mga kamay makikita ang kahihinatnan ng ating kapalaran? pero kung titingnan natin sa ibang perspektibo ng pagtingin ma-aari nga na may kabuluhan ang kasabihan ito, ito ay sa kadahilanan na ang ating mga kamay ang isang parte ng ating katawan na ginagamit parati. dito mo malalaman kung ang isang tao ay may banayad, mapagkalingang malambot na kamay, kung merong mabibigat o pinagbuhatan kamay. kalyado man sa hirap ng buhay o magalaw at di makabasag pingan, ito ang nag papahiwatig ng estado ng ating buhay hindi ang ating magiging kapalaran, kung sino ang makakatuluyan, o kung ikaw ba ay maghihirap o yayaman man. totoo na nasa kamay natin ang ating kapalaran, ito ay ang desisyon natin na ituloy ang pinaglalaban natin, ang bumangon at manatili paring buhay sa gitna ng walang katiyakang bukas.

   ayokong sumang ayon na nakaguhit nalang sa ating palad ang magiging nating kapalaran, isa sa mga kadahilanan ay, ayaw kong makita ang kinahihinatnan ng aking buhay, hindi sa natatakot ako sa magiging resulta nito, kundi ayoko lang may nagpapang-una dito, kung ang diyos nga ay pinahintulutan tayong mamuhay sa anyo ng ating mamarapatin, bakit natin hahayaan ang ibang tao ang makakabasa ng tinakda o tinadhana sa atin. at kung man sadya talagang nakatadhana na ang bukas na ito sa aking magiging kapalaran, pipilitin kong baguhin ang mga ito sa kadahilanan ng paniniwala ko, na ako ang nagtatakda sa magiging ako bukas, at ang aking nakaraan ang magiging kong munting gabay sa aking magiging hakbangin patungo sa darating na bukas.

  ang mundong ating ginagalawan ay sadyang mapag-laro, minsan ikaw ay ilalagay sa ka ilaliman ng karimlan o isasawalat ang iyong katawaan sa liwanag ng pag-asa. tunay na mapaglaro ang tadhana, pero ang nakatakda ay kaya paring baguhin. hindi nagtatapos ang ating buhay sa mga mapa sa ating mga kamay, bagkos ito lang ang magsisilbing direksyon sa buhay na ating tatahakin, na sa-saatin parin kong tayo ay tutuloy o liliko, mananatili sa lugar na pinaglalagyan o tutuloy sa susunod na mga hakbangin. nasa atin parin ang huling desisyon, kaya bago ang lahat, atin munang isipin kong tayo ay napapabilis man o bumababagal na sa pagsulong, kung tayo ay nasa tamang baytang na o nahuhuli na, kung dapat pang ipagpatuloy o tuluyan ng huminto.

  pero bago tumahak sa kahit ano man disisyon sa buhay isa lang ang dapat tandaan, iba’t iba man ang tatahakin nating mga daanan, iisa lang ang ating dapat isa puso at isa isip, iisa lang ang ating buhay, pangalagaan ito at wag bibitiwan, dahil oras na naisip mo nang bumitiw sa lubid ng buhay, ito na ang nagpapahiwatig ng iyong huling disisyon ang, wakasan ang nagiisa mong buhay. wala nang bukas at susunod na pagkakataon, iisa lang ang binigay sa atin ng diyos na chansa, kaya mag-isip at gumalaw sa hakbang na iyong mamarapatin, wag mag padaloy sa agos ng iba, manatiling malakas, masigla at masaya sa agos ng iyong buhay, kahit na ikaw ay naiiba man o nag-iisa.

Leave a Reply