ang pag ibig sa di inaasahang pagkakataon
hilaw pa ang mga sugat sa aking ala-ala tila walang kapaguran ang
paghihikayat ng nakaraan sa sinapit ng aking puso sadyang mapaglaro
ang tadhana, pilit pinaa-alala sa akin ito, ang mga bakas ng aking
nakalipas… para siyang isang panaginip na aking nasilayan nung akoy
bata pa, isang obrang nilikha para silayan ng mga mortal na kagaya ko
siyay nagbalik ngunit sa ibang anyo di gaya ng dati siya ngaun ay
kasing tanda kuna, tuwid ang makinang nyang buhok na suma sang ayon
sa kanyang mga ngiti, ang mga ngiting iyon! sino bang makakalimot sa
mga ngiting nagsilbing langis, ang nagbigay tibok muli ngayon sa
aking puso! ngayon ko lang nakilala ang dilag. marielle daw ang
kanyang pangalan. ngali-ngali kung tanongin kung nagkakamali lang
siya sa pagbigkas ng kanyang pangalan, sapagkat alam ko dati ito ay
elsa, buti nalang napigilan ko ang aking sarili sapagkat alam ko na
hindi siya ang kababata ko. siya ay galing ibang bansa samantalang
ang kababata ko ay nagpapagaling sa america si elsa ay may sakit na
leukemia, minabuti na ng kanyang ama na manatili sila sa states upang
magpagamot. meron namamagitan samin ni elsa noong kami ay
magkababata. siya ang una kong sinabihan ng aking mga munting
sikreto, patungkol sa aking ari na grade7 pa ako bago ko
napabinyagan, na ako ang tumae sa upuan ng aming guro noong grade 2,
at ako ang nagnakaw ng bulaklak ni aling rosa sa hardin na kung saan
binibigay ko kay elsa! siya rin ang una kong halik, siya ang unang
nagturo sakin umiibig at sakanya ko rin natutuhang masaktan,
naramdaman ko yon nung kami ay maghihiwalay ng dalawa, nung una kong
nakita siyang naka ngiti pero di gaya ng dati siya ay nakagapos sa
kama at puno ng dextrose, wla siyang ibang iminunkahi sakin kundi
ang kanyang papilit na mga ngiti! ito ang naalala ko kay marielle
kapag nakita ko siya, pawang sakanilang mga ngiti sila ay nagtutugma
kaya di rin nagtagal minabuti kong kaibiganin ang dalaga hangang sa
nanligaw na rin ako sa kanya, nahulog ang loob ko sakanyang ugali
katulad ng aking childhood sweetheart na si elsa, di rin nagtagal
naging kami. marami narin kaming pinagdaanan ni marielle na pagsubok
at pinagtibay ang aming pagsasama ng panahon, tila siya lang ang
babaeng nakapapantay sa pagmamahal ko kay elsa, pilit kong
kinakalimutan ang aking kababata. natapos na namin ang bawat kurso at
balak na namin magpakasal, gusto nyang sa states na lang kami mag
pakasal sapagkat doon maalagaan nya na ang kanyang tatay at
mapapakilala na daw nya sakin ang kanyang nakakatandang kapatid na si
ellaine. di nagtagal nakita ko narin ang ate niya salusalubong ang
pilit nyang mga ngiti at luhang tumutulo sa kanyang mga labi,
pinakilala ako ni marielle sa pinakamamahal niyang kapatid, ang kinalimutan kong si ate elsa.
May 2nd, 2007 at 7:09 pm
waah kuya, ang tindi naman ng blog mo.astig…makata ka pala.tsk!haiiz…mmm,anu nang nangyari kay elsa? T_T
May 20th, 2007 at 10:58 pm
heartbreaking,
keep on writing and living
May 26th, 2008 at 4:44 am
HUH?!ELSA HU? HU? HU?